Thursday, February 03, 2005

Walang Pamagat

Mag-isa? Malungkot ang mag-isa. Maraming beses ko nang naranasan ang mag-isa. Minsan kahit sa mga pagkakataong akala ko ay may karamay ako nararanasan ko pa rin ang mag-isa. Mahirap ang mag-isa. Aabot ka pa sa puntong pakiramdam mo'y wala kang kwenta. Kahit na anong gawin mo parang walang saysay. Nasa iyo na nga ang lahat pero pakiramdam mo may kulang. Kulang ng taong paglalaanan ng mga tagumpay na iyong nakamtan. Tuloy nawawalan ka ng dahilan upang magpatuloy, nakikita ang sarili sa gitna ng kawalan.

Nakakalungkot... nakakalungkot sapagkat sa mga pagkakataong ito dama ko na ako'y nag-iisa. Lumilipad ang aking isipan sa pangangarap ng mga pagkakataong kapiling ka. Sana maulit ang mga yun nang di na ko mag-isa. Sawa na ko sa pighating dulot skin nito. Tigang na ang aking mga mata sa mga luhang bunga ng pag-iisa.

Hayy... Sana bukas makapiling ka nang di na nga ako mag-isa.