Kaibigan (-_-)
Ano ba isusulat ko? Di ako makapag-isip. Puro kasi sya ang naiisip ko eh. wala na kasing magandang nangyayari sakin araw araw kundi ang mga pagkakataong nakikita at nakakasama ko sya. Ang sarap niya kasi kasama eh. ginagawa niyang espesyal ang isang napaka ordinaryong araw lang. pag kasama ko siya, lahat ng bagay masaya. Parang… parang isang anghel sa aking labi na nakalutang sa ulap at nangingiliti… hehehe! Lahat ng bagay ganun kaganda pag siya ang kasama ko.
Ang mga problema ko kahit na sa tingin ko wala na solusyon, lahat nakakalimutan ko. Basta’t kasama ko siya lahat nagagawa ko. Lahat kaya ko tiisin, lahat kaya ko lampasan. Pero alam mo ba kung ano ang di ko kaya? ang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Kaibigan lang kasi ang turing niya sakin kaya di ko maipagtapat sa kanya ang emosyong matagal nang gustong kumawala dito sa loob ng aking puso. Ang baduy noh. Ganito talaga yata pag inlove eh… lahat na ng kakornihan at kabaduyan nasasabi at naiisip mo na. tapos mangangarap ka pa ng gising na kunwari daw ay magkasama kayo at nagmamahalan. Minsan nga iyong mga tipong sitwasyon pa na niligtas ko daw siya at ako ang “hero” niya. Hay… ganito ba talga mainlove? Nawawala ka sa sarili mo? Kahit na gaano ka-focus pa ang gawin ko sa trabaho at sa ibang bagay di ko maiwasang di sya maalala.
Siguro nga inlove na talaga ako. Siguro nga mahal ko na talaga siya. Kaya lang ako kaya? mahal din kaya niya ako? Kung hindi man, ayus lang, atleast naranasan ko kung pano magmahal. Iyong tipong ginagawa mo lahat para sa kanya kahit na alam mong di niya naman masusuklian lahat ng ginagawa mo. Basta masaya siya masaya ka na rin. Kasi mahal mo siya.
Mahal ko na nga siya. Ano ba ito! Ang hirap talaga ng di mo masabi ang nararamdaman mo. Para mong hinahampas ng latigo ang sarili mong katawan. Pero bawat hagupit ay napapawi ng mga ngiti at sayang nakikita mo sa kanyang mukha. Kaligayahang ikaw ang nagdudulot sa kanya...., bilang isang Kaibigan. (-_-)
0 Comments:
Post a Comment
<< Home