Tuesday, October 26, 2004

buntong hininga

hayyy…

matatapos na naman ang araw ko, magliligpit ng desk, i-lolock ang bin ko at i-reready na ang gamit ko pauwi. Pero hanggang ngayon di ka pa rin nagpo-pop skin. simula pagdating ko kninang umaga ng office la pa rin kahit na isang mensahe lang ng pangungumusta. Nag-gudmorning na nga ako tila parang wala ka nabasa, di mo ba napapansin na miss na kita? Di mo ba nararamdaman na gusto kita makasama…?

Hirap pala ng ganito… hirap palang mahulog sa taong alam mong di sasalo syo…! Kaya lng maiisip mo… ano ngayon kung di kami pwede… mahal ko sya eh, mapipigilan ko ba yun? Kung ba tatanungin mo sarili mo kung kaya mo itanggi sa kanya at sa sarili mo na mahal mo siya sasagot ka ng “oo”…? Hirap yata ng ganun… ayoko sa lahat yung sinungaling… lalu na sa sarili ko. Kaya lang ano nga ba magagawa ko…? Habang lumilipas ang araw lalu yata ako nahuhulog… kahit na ulit ulitin ko pang isipin na dapat kita kalimutan at iwasan yung puso naman ang nagsasalita.

Nung ngang una nagawa kong pigilan ang sarili kong kausapin ka at di mki-pagchat syo. Aba’t di ko alam kung ano nakain mo at bigla na lng lumitaw ang pangalan mo sa AIM window ko. Nangu2musta ka, sabi ko “heto, ok lng namn, medyo busy” pero sa toto lang naiinip ako dahil wala nako ginagawa at hinihiling na lng sa langit na maalala mo ko. Pinanatili kong casual lang ang pag uusap natin nang bigla mo sabihin na malapit na kaarawan mo at gusto mo samahan kita sa pagcelebrate nito. Di ko alam kung maniniwala ako sa sinabi mo o talgang pinaglalaruan mo lng ako. Malamang naramdaman mo nang may gusto ako syo kaya ganito ginagawa mo. At syempre ako namn, naiinis sa sarili ko pero masayang nagreply ng “oo ba… khit san mo gusto magpunta, buong araw kita sasamahan”, sabay reply mo ng “talaga…? Sabi mo yan ha...” Tapos, kinabukasan, late nko nakapasok sa opisina… kc napuyat sa kakaisip at pagpapantasya sa mangyaayri sa kaarawan mo. Nang ako’y nsa sasakyan na papasok, bigla ka nagtext skin na madalang mong gawin , sabi mo “hi… hindi ka ba pumasok…?” sabay reply ako ng “papasok palang po” at curious na nagtanong ng “bkit po”. Tpos sabi mo wala lng. Ano ba yun.. lalu mo pinapagulo buhay ko nyan eh. Alam mo mahirap mahulog sa taong di mo pwede mahalin noh, kung alam mo lng kung gano kahirap ang pagtitimpi na ginagawa ko para lang di tuluyang masiraan ng bait syo. Sabagay, kc namn sayo andali lng eh. Buti ka pa walang inaalala, magkwentuhan man tyo buong maghapon, magkasama at pumunta kung saan saan. Ok lng syo.
Kasi ikaw pwede pa…. pero ako…. hindi na…!

Hirap talaga…
Pag tumagal pa ‘to hindi ko na alam kung ano mangyayari…
hayyy…